Get Started. It's Free
or sign up with your email address
PANG-URI by Mind Map: PANG-URI

1. Ang Pang-uri ay tumutukoy sa mga salita na nagbibigay turing sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, kilos, at oras. Ang bahagi ng pananalita na ito ay mayroong apat(4) na kayarian.

1.1. PAYAK

1.1.1. Ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng salitang-ugat lamang ayon sa Wikipedia. Ilan sa mga halimbawa nito ay bilog, hinog, at pandak.

1.1.1.1. HALIMBAWA

1.1.1.1.1. 1. Bilog ang buwan noong gabing biglang nawala si Monica. 2. Si Vince ay hindi kumakain ng hinog na mangga. 3. Pandak si Cheska pero ubod ng ganda kaya hindi imposibleng mapapansin talaga siya ni Troy.

1.2. MAYLAPI

1.2.1. Ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng mga salitang-ugat na dinudugtungan ng mga panlaping ma-, ka-, kasing-, sim-, at marami pang iba. Halimbawa ng mga ito ay matapang, simbilis, at malakas.

1.2.1.1. HALIMBAWA

1.2.1.1.1. 1. Tinuloy pa rin ni Dante ang panghaharana sa kabila ng takot niya sa matapang na ama ni Consuelo. 2. Simbilis ng pagtakbo ng daga ang pagkalat ng balita tungkol sa pagdadalantao ni Jasmine. 3. Malakas ang ulan kahapon kaya hindi na dumalo si Christopher sa handaan sa bahay ng tiya niya.

1.2.1.2. Ang kayarian na ito ay matutukoy dahil inuulit nito ang buo o bahagi ng salita katulad ng pulang-pula, araw-araw, at puting-puti.

1.2.1.2.1. HALIMBAWA

1.3. INUULIT

1.4. TAMBALAN

1.4.1. Ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng dalawang salitang pinagtambal katulad ng ngiting-aso, kapit-tuko, at ningas-kugon.

1.4.1.1. HALIMBAWA

1.4.1.1.1. 1. Ngiting aso ang nakita ni Mario kay Tonyo kaya hindi agad siya nagtiwala rito. 2. Parang kapit-tuko ang hawak niya sa nobya niya sa tuwing namamasyal sila sa mga lugar na may maraming tao. 3. Ningas-kugon si Leofer kaya hindi umunlad ang tindahan na ipinatayo niya.

2. Apat (4) na Kayarian ng Pang-Uri