Kasaysayan ng Edukasyon

Get Started. It's Free
or sign up with your email address
Kasaysayan ng Edukasyon by Mind Map: Kasaysayan ng Edukasyon

1. EDUKASYON SA PILIPINAS BAGO ANG KOLONISASYON

1.1. mga magulang o ang mga matataas na pinuno ng komunidad ang siyang nangangasiwa sa edukasyon ng mga kabataan.

1.1.1. mga kalalakihan ay sinasanay sa agrikultura, pakikidigma, at pakikipagkalakalan.

1.1.2. mga kababaihan ay sinasanay sa paghahabi, pagbuburda, paggawa ng palayok at basket, pagluluto, at pagpapamilya.

1.1.3. mga maharlika na magmamana ng kanilang kaharian o komunidad ay binibigyan edukasyon tungkol sa pamamahala.

2. EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA KASTILA

2.1. nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa kasabay ng pagbabago ng katayuan sa lipunan ng mga Pilipino.

2.1.1. nagpatuloy ang pagsasanay sa pagsasaka, paggawa ng banga, paghahabi, pagbuburda, paggawa ng palayok at basket, pagluluto, at pagpapamilya.

2.1.2. hindi na sila muli pang nagkaroon ng pagsasanay sa pakikidigmaan, kalakalan, at pamamahala.

2.1.2.1. ang mga gawain ay nakalaan sa mga Kastila na siya nang namumuno sa Pilipinas ng mga panahong iyon.

2.2. nagpatuloy ang impormal na edukasyon para sa mga Pilipino.

2.2.1. ang sistema ng edukasyon ng Espanya ay naipatupad lamang sa mga probinsyang kanilang nasakop.

2.2.1.1. ang mga probinsyang nanatiling malaya sa Espanya ay nagpatuloy sa edukasyong nakagawian ng kanilang lipunan ayon sa kanilang kultura.

2.3. pinakilala ng mga Kastila ang pormal na edukasyon sa bansa.

2.3.1. maraming mga paaralan ang ipinatayo na sentralisado.

2.3.1.1. Nagbukas ng mga malalaking Katolikong kolehiyo na pinatatakbo ng mga prayle.

2.3.1.1.1. Colegio de San Ildefonso o Pamantasan ng San Carlos sa Cebu, Colegio de San Jose o Seminario ng San Jose sa Maynila, Colegio de Nuestra Señora Santisimo Rosario o Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila, Colegio de San Juan de Letran sa Maynila, at Colegio de Santa Isabel sa Maynila.

2.3.2. bawat bayan ay nagkaroon ng mga primaryang paaralan para sa kalalakihan at kababaihan, ito ay pinatatakbo ng lokal na pamahalaan.

2.3.2.1. ang primaryang edukasyon ay libre at ang pag-aaral ng wikang Espanyol ang isa sa mga sentro ng pag-aaral.

3. EDUKASYON SA ILALIM NG REBOLUSYONARYONG PAMAHALAAN

3.1. sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at mga Amerikano noong 1898.

3.2. mga rebolusyong pinangunahan ng Katipunan.

3.2.1. panandaliang sinira ang mga paaralan sa Pilipinas.

3.2.1.1. idineklara sa ilalim ng pamumuno ni Emilio Aguinaldo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Pilipinas na muling buksan ang mga paaralan sa bansa.

3.2.1.1.1. Konstitusyon ng Malolos

4. EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

4.1. muling nagbago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

4.1.1. Ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano ang nagpatakbo at nagturo sa mga paaralan.

4.1.1.1. pinalitan din ng wikang Ingles ang midyum ng instruksiyon sa mga paaralan.

4.1.1.2. naging sentro ng kurikulum ang pagtuturo sa mga Pilipino ng kanilang mga tungkulin bilang mga mamamayan ng pamahalaang Amerikano.

4.2. Schurman at Taft Commission

4.2.1. dinala ng mga Amerikano sa Pilipinas ang pampublikong edukasyon na libre at sekular o yaong malaya sa impluwensiya ng kahit na anong institusyon panrelihiyon.

4.2.1.1. Lahat ng mga mamamayang Pilipino ay libreng nakapag-aral mula mababa hanggang mataas na paaralan at naging bukas din para sa lahat na paaralan sa kolehiyo

4.3. 1901

4.3.1. Act No. 74 of Philippine Commission

4.3.1.1. naging sentralisado ang edukasyon sa buong bansa kasabay ng paglawak ng kapangyarihan ng Amerikano sa Pilipinas hanggang Mindanao.

4.3.1.1.1. tumaas ang populasyon ng mga mag-aaral na nangahulugan na kailangan ng mas maraming guro.

4.4. 1902

4.4.1. nagtayo ng mga paaralan para sa mga special children at mga institusyon para sa sining, kalakalan, agrikultura, komersiyo, at marino.

4.5. 1908

4.5.1. Act No. 1870

4.5.1.1. upang patatagin pa lalao ang edukasyong pangkolehiyo sa bansa ay itinatatag ang Unibersidad ng Pilipinas na inaprubahan ng Asamblea ng Pilipinas.

4.5.1.1.1. ang UP ay isang state university na nangangahulugang ang kaniyang pondo ay mula sa pamahalaan at pinatatakbo ng mga kawani ng pamahalaan.

5. EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG HAPON

5.1. pinatakbo ng Commission of Education, Health and Public Welfare noong 1942 at Ministry of Education noong 1943 ang sistema ng edukasyon.

5.1.1. Wikang Filipino, Kasaysayan ng Pilipinas, at Character Education na nakasentro sa pagmamahal sa at marangal na trabaho ang naging sentro ng edukasyon.

5.1.1.1. binago ng mga Hapones ang sistema ng Amerikano.

5.1.1.2. maraming mga Pilipino ang tinalikuran ang pag-aaral dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan dahil ito ay panahon ng kaguluhan kahit na binigyang pokus sa edukasyon ang mga bagay na Pilipino.

5.1.1.2.1. sunod-sunod na digmaan, paghuli sa mga Pilipinong pinaghihinalaang mga rebelde, mga kababaihang ginagawang comfort women ang nagdulot ng takot sa mga Pilipino na umiwas na magkaroon ng interaksiyon sa mga Hapones.

6. EDUKASYON SA ILALIM NG REPUBLIKA NG PILIPINAS

6.1. 1946

6.1.1. naibalik sa mga Pilipino ang pagpapatakbo sa edukasyon sa PIlipinas ng makalaya ang mga Pilipino sa mga Amerikano.

6.2. 1947

6.2.1. binuo ang Department of Education at naging kaagapay nito sa pagbabalangkas ng regulasyon para sa mga paaralan ang Bureau of Private and Public schools.

6.3. 1972

6.3.1. naging Department of Education, Culture and Sports ang ahesiya.

6.4. 1978

6.4.1. naging Ministry of Education.

6.5. 1982

6.5.1. Education Act

6.5.1.1. naging Ministry of Education, Culture, and Sports

6.6. 1987

6.6.1. muling tinawag na Department of education, Culture and Sports.

6.7. 1994

6.7.1. inihiwalay ang regulasyon para sa mga kolehiyo at pamantasan nang itatag ang Commission on Higher Education o CHED.

6.7.2. para sa mga kursong bokasyonal ay ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

6.7.3. naging pokus ng Department of Education, Culture and Sports ang regulasyon ng mababa at mataas na paaralan.

6.8. 2001

6.8.1. muli itong tinawag na Department of Education na kasalukuyan pa rin nitong pangalan.

6.9. istruktura ng edukasyon sa Pilipinas

6.9.1. anim na taon sa mababang paaralan at apat na taon sa mataas na paaralan.

6.9.1.1. ang kanilang kurikulum

6.9.1.1.1. Matematika, Siyensiya, Ingles, Filipino, HEKASI o Araling Panlipunan, Edukasyong Panteknolohiya at Pantahanan, Edukasyong Pangkatawan, Pangkalusugan, at Musika at Edukasyong Pangkabutihang Asal.

6.9.1.1.2. ang asignaturang relihiyon ay kasama sa kurikulum ng mga sektaryong pribadong paaralan o yaong pinatatakbo ng relihiyon.

6.9.2. apat hanggang limang taon sa kolehiyo, depende sa kursong kukunin.

6.9.2.1. ang kanilang kurikulum

6.9.2.1.1. kinabibilangan ng mga kursong general education, professional education, at major subjects.

6.10. 2012-2013

6.10.1. K to 12

7. K TO 12

7.1. 2012-2013

7.1.1. unang ipinatupad ang pinakabagong sistemang edukasyon sa Pilipinas.

7.2. ang isang mag-aaral ng basic education ay kinakailangang magkaroon ng isang taon sa kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon sa senior high school.

7.2.1. DepEd, What is K to 12 Program?

7.2.1.1. nagdagdag ng dalawang taon sa dating sampung taon ng basic education upang palalimin ang kaalamanan at malinang ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa: information, media and technology skills; learning ang innovation skills; effective communication skills; and life and career skills.

7.3. inaasahan ang isang mag-aaral na nakatapos sa programang K to 12 ay may kakayahang magtrabaho, magnegosyo, at kuwalipikado sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo sapagkat dala na nila ang kaalaman at kakayahan na mayroon ang isang miyembro ng lakas paggawa.

7.4. ang mag-aaral sa unang baitang ay kinakailangang pitong taon at siya ay magtatapos sa mataas na paaralan sa edad na labingwalo na itinuturing na legal na edad upang makapagtrabaho, bumoto, at pumasok sa mga kontrata.

7.5. naglalayong pataasin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas upang ang mga magiging produkto nito ay mahusay sa lakas paggawa at mamamayan na kayang makipagsabayan sa pandaigdigang pamantayan, lalo't marami ang mga Pilipinong nangingibang bansa.

7.5.1. ASEAN 2015

7.5.1.1. magiging bukas ang maraming sektor ng Pilipinas sa mga mamamayan ng Timog-Silangang Asya.

7.6. mga batas na nagtatakda sa K to 12 bilang opisyal na kurikulum ng basic education sa Pilipinas.

7.6.1. Republic Act No. 10533

7.6.1.1. An act enhancing the Philippine basic education system by strengthening its curriculum and increasing the number of years for basic education, appropriating funds therefore and for other purposes.

7.6.1.1.1. Sec 2

7.6.1.1.2. Sec 4

7.6.1.1.3. Sec 5

7.7. nilalaman ng K to 12

7.7.1. inayos ang kurikulum upang bigyang pokus ang mga kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral na magagamit ng mga ito sa kinabukasan.

7.7.2. binawasan ang mga aralin ng asignatura upang bigyang pokus ang mga araling makapaglalabas ng 21st century skills.

7.7.2.1. kinabibilangan ng teknolohiya, siyensiya, matematika, iba-ibang lengguwahe, at pagiging mamamayan.

7.7.2.2. idinagdag din ang mga kursong ito upang maging handa ang mga mag-aaral sa hamon ng kasalukuyang panahon.

7.7.2.2.1. Disaster Risk Reduction (DRR), Climate Change Adaptation, at Information and Communication Technology (ICT).

7.7.3. mother tongue

7.7.3.1. pagtuturo sa mga asignatura sa unang tatlong baitang ng mababang paaralan gamit ang lengguwahe ng lugar kung saan nakatayo ang paaralan.

7.7.3.1.1. ito ay base sa pag-aaral na higit na natututo ang mga mag-aaral ng mga konsepto gamit ang lengguwaheng kanilang alam.

7.7.3.2. ang Ingles at Pilipino ay sabay ng itinuturo upang matuto rin ng ibang lengguwahe ang mga mag-aaral.

7.7.3.3. pagdating ng ikaapat na baitang unti-unti ng gagamitin ang Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa tuluyan na itong maging midyum ng instruksiyon sa mataas na paaralan.

7.7.3.4. Araling Panlipunan

7.7.3.4.1. kailangan isama ang lokal na kasaysayan ng lugar o probinsiya kung nasaan ang paaralan upang mapalalim ang pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa kanilang bayan at lahing pinagmulan.

7.7.4. mula una hanggang ikasampung baitang

7.7.4.1. ituturo ang mga asignaturang Siyensiya, Matematika, Ingles, Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyong Pangkalusugan, Musika, Technology and Livelihood education, at Edukasyong Pangkatauhan.

7.7.4.1.1. ito ay sisimulan sa mga simpleng konsepto at kakayahan sa unang baitang at unti-unting itataas ang lebel nito sa bawat taon hanggang sa maging mataas pa ang lebel ng kakayahan at kasanayan ang matutuhan ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang.

7.7.5. ikalabing-isa at ikalabindalawang taon

7.7.5.1. maaaring mamili ang mga mag-aaral ng track o pokus ng matutuhan ng mag-aaral depende sa kung anong kurso ang nais nilang kunin sa kolehiyo o kung anong trabaho ang nais nilang pasukin sakaling hindi sila magtuloy sa kolehiyo.

7.7.5.1.1. mga track sa Senior High School

7.7.6. paraan ng pagmamarka

7.7.6.1. binago rin ito ng K to 12, pinalitan ang mga titik na grado na mayroong katumbas na deskripsiyon ang dating numerong marka.

7.7.6.1.1. upang maliwanag na makita kung anong lebel ng kaalaman at kakayahan mayroon ang mga mag-aaral sa bawat pagtatapos ng taong pampaaralan.

7.7.6.2. ngunit noong 2015 ay binalik muli ito sa dati at binago ang criteria nito.

7.8. mga isyung kinakaharap sa pagpapatupad ng K to 12

7.8.1. hindi madaling natanggap ng mga Pilipino ang programang K to 12

7.8.1.1. maraming magulang ang nag-aalala para sa dagdag na dalwang taon na katumbas ng mga dagdag na gastusin at matagal na pagtatapos ng mga mag-aaral sa pag-aaral.

7.8.1.2. maraming mga mag-aaral ang di natanggap agad ang dagdag na dalawang taon sa kanilang apat na taon sa mataas na paaralan.

7.8.1.3. maraming mga guro at paaralan ang nangamba para sa kahandaan sa bagong sistema lalo na sa usaping pinansyal dahil taon-taong suliranin ang mga kakulangan sa silid aralan, aklat, pasilidad sa klase, at mga guro.

7.8.1.3.1. kinakailangan ring sanayin ang mga guro para sa bagong kurikulum.

7.8.2. naging hati ang reaksiyon ng mga mag-aaral at mga magulang tungkol sa pagbibigay ng marka.

7.8.2.1. maraming mga mag-aaral at mga magulang ang nangamba na di naman nasusukat ng letra ang kakayahan ng isang mag-aaral.

7.8.2.2. mayroon namang mga mag-aaral at mga magulang na nakaintindi ng pagbibigay sa marka.

7.8.2.3. marami ring mga guro at paaralan ang nagsabing isang pagsubok lamang ang pagbibigay ng espesyal ng klase dahil na rin sa kakulangan ng mga silid-aralan, aklat, at mga guro.

7.8.3. naging malaking debate rin ito.

7.8.3.1. kung ang mga dating suliranin sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay di pa nasosolusyunan, kaya bang pataasin ng dagdag na dalawang taon na ito ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

7.8.3.2. mga kumokontra sa programa

7.8.3.2.1. hindi sa pagdadagdag ng dalawang taon ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa kundi sa pagsasaayos ng mga pasilidad at mahuhusay na guro.

7.8.3.2.2. imbes na gastusin ang pondo para sa K to 12 ay ilaan na lamang ito sa pagsasanay sa mga guro, pataasin ang kanilang mga sahod, magtayo ng mga paaralan, at bumili ng mga aklat at mga pasilidad.

7.8.3.2.3. hindi raw magiging matagumpay ang K to 12 kung magdadagdag lamang ng dalawang taon sa basic education at hindin aayusin ang ibang aspekto ng sistema ng edukasyon.

7.8.3.3. mga nagsusulong ng programa

7.8.3.3.1. kompiyansa sila na sa una lamang mahirap ang pagpapatupad sa bagong kurikulum, pag ito ay naisakatuparan na ay makikita ng mga tao kung gaano kahusay ang sistema.

7.9. ang kalakasan ng K to 12

7.9.1. 2011-2012

7.9.1.1. Pilipinas na lamang ang may sampung taon sa basic education sa Timog-Silangang Asya samantala ang lahat ay labindalawang taon na.

7.9.1.1.1. mas mahaba ang panahon ng pagsasanay ng ibang lahi kumpara sa mga mag-aaral na Pilipino.

7.9.1.1.2. ang pagkakaiba sa mga nagtapos ng kolehiyo sa bansa na may diploma ay naglaan lamang ng labing-apat na taon sa pag-aaral laban sa labing-anim ng ibang lahi.

7.9.1.1.3. nagiging suliranin ng mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa dahil kung minsan ay hindi kinikilala ang kanilang diploma sa kolehiyo dahil ito ay hindi katumbas ng diploma sa kanilang bansa.

7.9.1.1.4. kinakailangan kumuha ng mga Pilipino ng mga kurso sa gradwadong paaralan o masterado bilang karagdagan sa kanilang natapos sa kolehiyo upang maging kuwalipikado.

7.9.1.2. suliranin ng mga Pilipinong nais mag-aral ng kolehiyo sa ibang bansa.

7.9.1.2.1. hindi agad maaaring makapasok sa kolehiyo sa Estados Unidos at Europa dahil kailangan ng labindalawang taon na basic education bago makapagkolehiyo sa mga bansang nabanggit.

7.9.1.2.2. kinakailangan pang mag-aral ng isang taon sa kolehiyo upang madagdagan ang sampung taon sa basic education bago sila makapasok sa mga kolehiyo ng mga bansang nabanggit.

7.9.1.2.3. pwede ring kumuha ng pagsusulit ang mga mag-aaral upang malaman kung magka-lebel sila sa mga mag-aaral sa matataas na paaralan sa US at Europa base sa kaalaman.

7.9.1.2.4. nagmumukhang di kapantay ng mga PIlipino ang mga dayuhan.

7.9.1.2.5. sapagkat magagawang makipagsabayan ng mga mag-aaral at manggagawang Pilipino sa ibang mga lahi.

7.9.1.3. ASEAN 2015

7.9.1.3.1. magbubukas ang pinto ng Pilipinas sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

7.9.1.3.2. inaasahan ang malayang pagpasok ng mga mag-aaral at manggagawa sa iba't-ibang bansa sa rehiyon.

7.9.1.3.3. maaaring makapag-aral at makapagtrabaho sa mga paaralan sa Timog-Silangan Asya.

7.9.1.3.4. inaasahan ang pagpasok ng mga mag-aaral at manggagawa ng ibang bansa sa rehiyon sa Pilipinas.

7.9.1.3.5. sa pagsasaayos ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay inaasahang makakaakit sa mga dayuhan na mag-aaral na mag-aral sa Pilipinas.

7.9.1.3.6. magkakaroon ng pagbabago sa kalendaryo ng mga paaralan kung saan ililipat ang pasukan sa mga eskuwelahan mula Hunyo hanggang Marso patungong Agosto hanggang Mayo, kasabay sa mga paaralan sa ibang bansa.