1.1. Sa pagdating ng nga Amerikano, naging layunin nila na palaganapin ang demokrasya, ituro ang wikang Ingles, at ikalat ang kulturang Amerikano.
1.2. Dito pinayagang makapag-aral ang mga kababaihan at mahihirap na mga Pilipino at nagkaroon din ng mga pribado at publikong paaralan na hindi pag-aari ng simbahan.
1.3. Thomasites, ang tawag sa mga unang guro na ipinadala sa Pilipinas. 600 na Thomasites ang dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong SS Thomas.
2. Sinaunang Pilipino
2.1. Hango sa edukasyong di-pormal ang malawak na kaalaman ng mga unang Pilipino, walang paaralang pinapasukan at mga asignaturang pinag-aaralan, gayunpaman, mataas ang antas ng marunong bumasa at sumulat sa mga sinaunang Pilipino.
2.2. Mayroon nang edukasyon ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ang mga bata, lalaki man o babae ay nag-aaral sa sarili nilang tahanan kasama ang kanilang mga magulang bilang kanilang mga guro. Sila ay tinuturuang magbasa, magsulat, magbilang at manampalataya at hindi lamang mga araling pang-akademiko ang itinuturo sa kanila
2.3. Tinuturuan maging mandirigma, mangangaso, mangingisda at magsasaka ang mga kalalalkihan gayundin ng mga kaalamang nauukol sa pagmimina, paggawa ng sasakyang-dagat, at pagiging platero.
2.4. Ang mga babae nama’y sinasanay sa mga kaalamang ukol sa pagluluto, pananahi, paghahabi, at paghahayupan bilang paghahanda sa kanilang pagiging maybahay at mabuting asawa sa hinaharap.
2.5. Mayroon din sinaunang alpabeto. Alibata ang tawag dito na binubuo na labimpitong (17) titik. -3 patinig at 14 na katinig. Ngunit ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino, Baybayin ang tamang tawag dito.
2.6. Sa pagsulat naman ay simple lamang ang kanilang ginagamit gaya ng dulo ng kutsilyo at matutulis na bakal na tinatawag na sipol. Katas ng halaman ang kanilang ginagamit na tinta at sa mga dahon, balat ng punongkahoy, at biyas ng kawayan sila sumusulat.
3. Panahon ng Kastila
3.1. Ang mga misyonerong pari ang unang naging guro noong nasakop tayo ng Kastila.
3.2. Naganap ang unang pagtuturo ay sa Cebu noong taong 1565. Tinuruan nila ang mga bata ng magsulat, bumasa, magkuwento at tumugtog ng instrumento.
3.3. Lubos na pinalaganap ang Katolisismo noong panahon ng Kastila. Pilit na ipinasaulo sa mga mag-aaral ang mga dasal na kinainisan ng marami.
3.4. Unang naitayo ang Colegio de Manila noong 1589 ngayon ay Colegio de San Ignacio sinundan ito ng Colegio de San Ildefonso noong 1595 at Colegio de San Jose nooong 1601.
3.5. Ang mga Pilipinong nakapagtapos noon ay tinawag na Ilustrdo o alta-sosyedad ng lipunan. Napukaw sa isip at puso nila ang kaisipang nasyonalismo.
4. Panahon ng Kalayaan
4.1. Sa panahong ito, nagkaroon ng mga suliranin sa mga gusaling pampaaralan gayundin sa mga kinakailangang kagamitan dito.
4.2. Ipinagpatuloy ang maka-Amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro pa rin ang mga kaisipang pang demokrassya at Ingles pa rin ang wikang panturo.
4.3. Itinakda ang paggamit ng wikang lokal bilang wikang panturo sa Baitang I at II.
4.4. Inilunsad ang "study now, pay later. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapagpatuloy ng pag-aaral. Marami rin mag-aaral ang nabigyan ng scholarship.
4.5. Ipinatayo ni Gng. Imelda Romualdez Marcos ang Cultural Center of the Philippines, Folks Arts Theater at Metropolitan Theater.
5. Panahon ng Hapon
5.1. Sa panahong ito, naging layunin ng mga Hapon ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino, pagtuturo ng Edukasyong Bokasyonal at Elementarya, pagpapalaganap ng Niponggo at pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.
5.2. Tanging ang Military Order No. 2 ang naging kontribusyon nila sa edukasyon kung saan nilikha ang Commisssion of Education Health and Public Wellfare, layunin nitong supilin ang usaping kaunlarin at mga pagtataguyod ng salitang Niponggo. Mas naging pokus nila ang pamamahala at pagsakop sa ating bansa kaya ito lamang ang ambag nila sa ating edukasyon.
6. Edukasyon Sa Kasalukuyan
6.1. Mga high tech gadgets na ang ginagamit ng mga estudyante sa paaralan.
6.2. May problema pa rin sa silid-aralan lalong lalo na sa pampublikong paaralan.
6.3. Maliit ang sahod na natatanggap ng mga guro.
6.4. K-12 ang pinakamalaking pagbabago sa sistema ng paaralan.
6.5. Ang mga batang papasok ay kailangang marunong ng magsulat at magbasa sapagkat hindi na natanggap ang mga elementary schools ng mga estudyanteng hindi nagkinder.
6.6. Ang "6" (sa K-6-4-2), katulad ng dati anim na taon pa rin sa Elementarya. May apat na taon sa "Junior High School", Grade 7-10. Samantalang may dalawang taon naman sa "Senior High School", Grade 11-12.