Kasaysayan ng Wikang Filipino

Get Started. It's Free
or sign up with your email address
Kasaysayan ng Wikang Filipino by Mind Map: Kasaysayan ng Wikang Filipino

1. Panahon ng Malasariling Pamahalaan

1.1. •Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”

1.1.1. •Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikang pambansa.

2. Panahon ng mga Kastila

2.1. •Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.

2.1.1. •Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig. a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y

2.1.1.1. •Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila.

2.1.1.1.1. •Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.

3. Panahon ng mga Amerikano

3.1. •Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey

3.1.1. •Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko

3.1.1.1. •Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon.

4. Panahon ng Hapones

4.1. •Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.

4.1.1. •Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.

4.1.1.1. •Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapon

5. Panahon ng Propaganda

5.1. •Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.

5.1.1. •Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.

6. Panahon ng mga Katutubo

6.1. •Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat

6.1.1. •Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig