1. TRANSISYON NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS
1.1. PANAHON NG KASTILA
1.1.1. Espanyol ang opisyal na wika at wikang panturo
1.2. PANAHON NG AMERIKANO
1.2.1. Wikang Ingles ang pumalit sa wikang Espanyol bilang wikang opisyal
1.2.2. Dumami ang natuto magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman na gamitin itong wikang panturo noong Marso 4,1899
1.2.3. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega, 2010)
2. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 sa Saligang-Batas ng Pilipinas
2.1. Paglayon na ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. (Pebrero 8, 1935)
2.2. KATUTUBONG WIKA SA PILIPINAS
2.2.1. Cebuano Hiligaynon Samar Leyte Bikol Ilokano Pangasinan Kapampangan Tagalog
3. PAGPAPATIBAY NG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS
3.1. Itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1897
3.2. Pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang batas Tydings-McDuffie noong Marso 24,1934
3.3. Paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas noong Oktubre 27, 1936
3.4. Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa noong Nobyembre 13, 1936
3.5. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na ipinahahayag na ang Tagalog ang halos na lubos na nakakatugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwlet Blg. 184 noong Nobyembre 9, 1937
3.6. Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipnas ay batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937
4. WIKANG TAGALOG BILANG WIKANG PAMBANSA
4.1. Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
4.1.1. Pagpapalimbag ng "A Tagalog-English Vocabulary" at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang "Ang Balarila ng Wikang Pambansa"
4.1.2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
4.2. Nabuo ang grupong "purista" nang lumunsad sa Pilipinas ang mga Hapon noong 1942. Ninanais nila na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang
4.2.1. Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika nang panahong ito
4.3. PANAHON NG PAGSASARILI
4.3.1. Simula Hulyo 4, 1940 ay pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika na Tagalog
4.3.2. Noong Marso 26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 12; ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, napapaloob sa panahong saklaw ang araw ni Balagtas (Abril 2)
4.3.3. Noong Septyembre 23, 1955 ay inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19 bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon na kinikilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa"
4.3.4. Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na "Kailanma't tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin"
4.3.5. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang Kautusan Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino
4.3.6. Noong Marso 27, 1968 ay iniutos na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin
4.3.7. Isinama na ang Pilipino sa lahat ng kurikulum noong Hulyo 21, 1978
5. SA KASALUKUYANG PANAHON
5.1. Artikulo XIV Seksyon 6-7
5.1.1. Seksyon 6 -Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamaninh pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika
5.1.2. Seksyon 7 - Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles.